Fuck you too, Cupid

Sinukuan mo naba ako? 🥺

I think he doesn't see me in his future

Maybe I'm not for him

If you wanted me you would reached out by now it's been so long it's clear like the sunlight you don't want me.

I was reaching out and willing to try too, I still am...

You do know I have no clue what's going on, right?

you're cruel and vindictive...


Patrick,


Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng pinagsamahan nating dalawa. Maraming salamat sa patience mo - we know how impatient I was yet you were always so calm and assuring. Maraming salamat sa pagmamahal mo - kahit na paulit-ulit kitang sinasaktan, you always loved me in the best way you can. Maraming salamat sa lahat ng masasaya at malulungkot na alaala - I will always keep them with me. I wasn’t expressive but sobrang blessed at swerte ko na ikaw ang naging spouse ko sa dnm noon at nakilala pa kita lalo. Sobrang bait mong tao, sobrang maaalalahanin, sobrang mapagmahal, sobrang mapag-aruga. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking kilala ko na sumobra sa lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. At dahil diyan, know I have loved you from the very beginning nung umamin ako sayo hanggang sa ngayong araw na ito. Patawad kung palagi kitang sinasaktan. Ito lang ang paraan para mailayo kita sa akin, para hindi na ako tuluyang mahulog pa, at para matauhan ka rin na toxic ako at hindi dapat minamahal. Hurting you was the only way I know para hindi tayo mag “cheat”. Patawad kung mas sinaktan kita kaysa sa mas minahal. You don’t know how many times I wanted to choose you. Gustong gusto na rin kita mahalin nang bukas pero natatakot ako magkamali. And now you have finally had enough of me, alam kong sumuko ka na. Thank you for setting yourself free. Ngayon, ako naman ang papalayain lahat ng nararamdaman ko para sayo para tuluyan ka nang pakawalan. Pasensya sa mga araw na nangulit ako kahit alam kong ayaw mo na. Ngayon, titigil na ko. Hindi na ako tatawag, mag tetext, magchachat. Yung pinadala kong chocolates at strawberry drink, yun na ang huli kong gagawin and I hope they will make you feel better. Chocolates elevate moods all the time. Last ko na yun, promise. Hindi na kita guguluhin pa. Sana matapos mo lahat ng projects niyo this year. Sana rin mahanap mo yung taong para sayo at hindi ka sasaktan. Wag marupok okay? Good things come to those who wait. Sana maging healthy ka at ang mga mahal mo sa buhay. Mag-iingat ka palagi. I hope and pray we will heal from this pain we have caused towards each other, in God’s perfect time. Merry Christmas, Patrick. You will always be my best virtual best friend. 


Love,

Don’t worry. I don’t want you in my life. I made a wish to get over you.